I miss some stupid conversation that makes sense after you’ve thought about it…when you’re bored and drunk that’s when most of your creative thought comes to work. For instance nung mga panahon na college pa lang tayo at madalas kasama ang mga barkada hanggang umaga, walang mapagusap habang umiinom mas maraming weird idea na naiisip… Tulad na lang nito’—nasisip mo ba na pano kung lahat ng tao na nakakasalubong mo o nakakatabi mo ay isa lang palang dummy o puppet na wala talagang role sa mundo kung di makasalubong mo lang o makatabi? Weird ha?! Parang pang X-file or another fragments of paranoia…hahahaha…so ikaw lang ang bida, ikaw lang ang tunay na may buhay at lahat sila pinapanood ka lang…eto pa, anong gagawin mo kung isang umaga magising ka tapos lahat ng nakapaligid sayo wala na as in isang madilim at blankong lugar, walang kahit na ano…parang isang malaking box lang ang ginagalawan mo? (ok hindi ako adik! These are products of some conversations I had with addicts joke!) Madami na ring pinag debatehan. Yung iba purely kababawan..
Topic 1: what’s the difference between destiny and fate? Do you believe in destiny and fate?
2 taong Paulit ulit na pinagtalunan…hanggang ngayon meron paring humihirit tungkol dito…at 8 taon ng nakakalipas…nitong kamakailan lang may nag paalala sakin nyan…habang umiimom din, ang sabi nya “naaalala mo ba yung topic ng destiny and fate?” sabi ko “oo” “ok may kulang tayo dun there’s a thin line that lies between Destiny and Fate” sabi nya, “ok, so ano yun?”, “CHOICES between destiny and fate there is a choice”…syet naisip ko, ano ba to’ seryoso na…o tumatanda na kami o umaakyat na talaga ang alak sa utak nya o nag aadik na sya ngayon…but that’s beside the point… I though he’s right!
Topic 2: “the bluest sky is infinitely high” explain or translate.
As far as I know hango to sa isang animei…di ko lang sure kung alin dun…madaming nagmadaling magisip tungkol dito…sabi nung iba na mas makikita daw natin yung bluest sky pag walang ulap at mataas ang sikat ng araw…(ok ang tanong---nakita mo na ba yung pinaka mataas na sikat ng araw eh madalas tulog ka panun?! Bwaaahahahahaha!!!). meron din nagpumilit na maging makata…eto classic “ if you reach a certain point in life and you feel that it’s your time and you’re at your best then that’s your bluest sky then you'll be infinitely high” ok so san ka ba high? Hehehe joke!
Topic 3: “You can drink the water coming out of your air-conditioning unit.”
Ok etong topic na to I know we are all sober, sa katunayan kumakain kami ng pandesal nyan at pancit canton may kasama pang juice! Hehehehe (sabi ko na nga ba puros betsin nanaman yun eh!). Ok, so pano ba nag umpisa yun…ah kasi mga panahon ng thesis yan…so nang galing yan sa isang mechanical engineering student na successful na sa field nya ngayon (ang magreact guilty! Kung di ikaw to tumawa ka na lang!). Ok for experimental purposes tinanong naming kung pwede nya bang patunayan…tapos kunwari kami ang mga juror ng thesis nya. Pano nya papatunayan samin yun para pumasa sya…may naisip kaming paraan magiipon kami ng tubig na galing sa aircon at iinumin nya yun sa harap namin! syempre puros tawa at pangaasar lang…kaya ayun nagwalk out si bestfriend…isang lingo o isang bwan kaming di pinasin…heheheh…peace dude!
Topic 4: Mary Walter, Helen Vela, Julie Vega
Eto classic to…everytime na uuwi na kami mga 3-5 ng madaling araw…di to’ pumapalya…kumakatok ka na lang sa bahay nyo may hihirit pa na pano kung si Helen Vela ang magbukas ng pinto nyo…o kaya habang nagpapaalam ka at lumalakad ka biglang mag sisigaw ng “kamusta mo na lang ako kay Julie Vega ha! Baka makasalubong mo” o kaya may sisigaw ng “oist Mary Walter!” mga baliw talaga!
Magulo pero Masaya, makulit pero kyut, mababawa pero malayo sa tunay na kamalayan ng buhay…malayang pagiisip..di pinuproblema ang mangyayari sa kinabukasan, lahat para sa pangkasalukuyan… pero anong nangyari ng lahat kami'y nag kamalay? Di ko na masagot malayo na sa pangkasalukuyan…nagbago na lahat…pero kami parin to’ at proud ako sa kinahinatnan naming dahil kahit pinag nagkamalan kaming addict ng mga homeowners sa subdivision namin successful parin kami! Ang saya!
Note: uulitin ko lang di kami addict----masaya lang kami!
My Good Riddance to Edison Belmes...Ok Omit the Riddance part, instead let me say good bye to a great friend who never cease to make everyone laugh..another one left for a greener pasture, all my hope of a better opportunity. Kudos to Edison and have fun bro!
Taken from my Multiply Blog.